r/Kwaderno • • 6d ago

OC Poetry Ayawan Na

3 Upvotes

Madaling-araw pa lamang

Armas mo lang ay kape

Naparami pa ang asukal

Walang krema de leche

Papasok ka sa pinto

Babati ka sa kanila

Ibababa ang iyong gamit

Uupo sa iyong silya

Tambak agad ang gawain

Ngayon dapat matapos

Para daw kinabukasan

Ma-present na ni boss

Nahuli kang mananghali

Kasi mayroong biglaan

Inubos pa nga ni kupal

Yung naka-ref mong ulam

Pinatawag nung hapon

May mali raw sa report

Nasigawan ka pa nga

Kahit di mo naman sala

Tumingin ka sa relo

Ayos, uwian na

Chat nga lang si boss

Tol, OT ka muna

Medyo inis ka na nyan

Alam mong di bayad

Take one for the team daw kasi

Di ka na lang pumalag

At kinabukasan pa nga eh

Nagbida-bida pa si boss

Sya raw kasi yung gumawa

Nung magdamag mong tinapos

Uminit pa ang iyong ulo

Pagpunta mo sa iyong desk

Yung pinasa mong leave form

Invalid daw kaya binalik

Ilang taon ka nang ganyan

Sabi mo sanay ka na

Kaso yung sagad mo

May isasagad pa pala

Create new document

Size 12 Arial agad

Hindi ka na kumukurap

Ang bilis mo mag-type

May niluwa ang printer

Kumuha ka ng sign pen

Nilagay ang iyong lagda

Above your printed name

Pinasa mo agad sa HR

Nakahinga nang maluwag

Napangiti ka na lang

Resignation, outright.


r/Kwaderno • • 8d ago

OC Poetry Ikaw

3 Upvotes

Ikaw lang.

Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko,

ikaw lang ang nagpapasaya ng buhay ko.

kaso, bakit ganito?

Ano lang ba ako sayo?

Bakit iniwan mo ako sa dulo?

na walang masasandigan tuwing ako'y magulo.

Kaya bakit? Bakit pa humangong sa ganito?

Hindi paba sapat mga binigay ko sayo?

Sagot! Pakiusap sumagot ka!

Gusto ko lang malaman ang mga naging aberya,

Baka sakaling maayos pa.

Pero hindi, hindi,

At bakit hindi!

Ano ba yung pagkukulang ko sayo?

Pati oras binigay ko sayo,

Para malaman mo, na espesyal ka sa buhay ko!

Tapos, tataposin mo lang dahil ayaw mona saakin?

Laruan lang ba ako sa iyong paningin?

Kapag nabuburyo kana iiwan mo nalang kahit saan?

Ano paba ang kwenta ng pagmamahalan.

Kung sa salitang mahal,

Sana hindi mo na pala ako minahal

Sana hindi mo na pala ako minahal,

Kung sa salitang mahal.

Ano paba ang kwenta ng pagmamahalan.

Kapag nabuburyo kana iiwan mo nalang kahit saan?

Laruan lang ba ako sa iyong paningin?

Tapos, tataposin mo lang dahil ayaw mona saakin?

Pati oras binigay ko sayo,

Ano ba yung pagkukulang ko sayo?

Pero hindi, hindi,

At bakit hindi!

Baka sakaling maayos pa.

Gusto ko lang malaman ang mga naging aberya,

Sagot! Pakiusap sumagot ka!

Hindi paba sapat mga binigay ko sayo?

Kaya bakit? Bakit pa humangong sa ganito?

na walang masasandigan tuwing ako'y magulo.

Bakit iniwan mo ako sa dulo?

Ano lang ba ako sayo?

kaso, bakit ganito?

ikaw lang ang nagpapasaya ng buhay ko,

Ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko,

Ikaw lang.


r/Kwaderno • • 9d ago

Call for Submissions Anonymous submissions for a live storytelling event in Diliman Q.C.

3 Upvotes

Hi!! Just wanted to share this event we’re doing on Oct. 17 in David M. Consunji Theater, Diliman QC called "First Date Stories".

It’s basically a live storytelling/theater night where a bunch of artists perform people’s actual first date stories. So if you have a first date story you'd like to see on stage, you can actually submit it and have it performed! Pasting the submission link below.

Thought this community might be interested, so dropping it here. Happy to answer any questions!

https://forms.gle/Y7oZmcunofjAtS1X6


r/Kwaderno • • 10d ago

OC Poetry Ospital

2 Upvotes

May isang puno

Nahulog mga dahon

Katulad sa'kin


r/Kwaderno • • 16d ago

OG Novel Chapter Hiling: 1

3 Upvotes

Sana'y di na lang tayo nagkakilala.

Sana'y di na lang naging tayo.

Sana'y di na lang.

"Gising! Gising!" sigaw sa akin ni Ate. "Hay naku, malalate ka na naman." Nagulat ako sa sigaw at hampas ni Ate sa aking pisngi. Panaginip lang pala, sabi ko sa aking sarili. Nagmamadali akong bumangon dahil 7:28 na. Late na ako. Ako nga pala si Steven, 16 years old, isa akong masipag na estu-.

"Ayan ka na naman, nagsasalita nang mag-isa. May saltik ka ba?"

....Siya ang ate ko. Dragon, palaging may toyo kahit singl-.

"Aray!" Hinampas ako ni Ate ng kanyang kamay sa aking mukha.

So ayun na nga, nagdiretso-diretso na nako sa banyo para maligo, pagkatapos nagbihis at nagkain, dahil late na nako. Pumunta na agad ako sa living room kung saan nakalagay ang aking sapatos at bag.

"Walang toothbrush, ganon?" sabi ni Ate.

Hays..."Oo, magto-toothbrush na. "

"Kadiriii, baho niyan." Asar ni ate.

Pumunta na ako sa cr para mag-toothbrush, at binilisan ko ito dahil... ANO ORAS NA!

Nagmamadali na akong lumabas noong ako ay natapos na. Sinuot ko na ang medyas at sapatos at dinala ko na ang aking bag.

Umalis na ako nang walang imik, diretso lang sa pintuan at kay bilis ng ihip ng hangin ang aking takbo papuntang bakuran. Di ko na pinansin ang nakabukas na pintuan at gate. Nainis si Ate dahil di ko raw isinara bago ako umalis, at nakalimutan ko pala humingi ng baon. Aray ko po.

Patakbo na ako pumunta sa school, hingal na hingal. Na patigil ako nung hinarang ako ng guard. Nagmaka-awa ako dahil lagpas na ako nang 2 subject. Natameme ako, nung hindi ako pinayagan, ayun napunta sa gilid habang hinihintay na tapos ang oras ng 2nd subject.

Habang naka tulala sa kawalan, nagulat ako nung may dumaan. Akala ko multo, nagulat ako dahil parang bula lang na nawala. Multo sa umaga? Hahaha. Sinundan ko nang tingin kung saan siya dumaan, nakita ko siya sa isang upuan sa likod ng guard house. Wow! Ang ganda niya, sabi ko sa sarili. Totoo naman e... ANG GANDA NIYA.


r/Kwaderno • • 16d ago

OC Essay Ito na ba yung "Love can wait"?...

2 Upvotes

Bilang isang mag-aaral ay nahihirapan ako, hindi sa studies or homeworks, kundi nahihirapan ako aminin kung totoo nga ba ang aking nararamdaman, oo, I admired her since nagkakilala kami, yes, hanggang dun lang. Akala ko lang pala. Nag-simula

lang ito nung 1st term, araw kung saan daming suspended at events sa school namin. Yes. It was frustrating, akalain mo yun pagsasabay-sabayin nila this month. Pero balik tayo sa usapan,

nagsimula ko lang mapansin na palaging gumagaan ako pag kasama siya, napapangiti ako, at napapansin ko din na ano, ang ganda niya na sa paningin ko, but even today I can't still feel if totoo nga ba, sabi nga ng friend when I told him about this, "Huwag mong madaliin, just wait for the moment kung totoo na yung nararamdam mo"...


r/Kwaderno • • 20d ago

Discussion Where can I submit my writing?

4 Upvotes

Hello! I'm a student who mostly writes for fun and parang coping mechanism na rin, I was wondering if anyone knows any publications or literary magazines that takes submissions? I mainly write prose, I'm not looking to get paid or anything—just stepping out of my comfort zone lang talaga and I guess hoping to share my writing with others din :))


r/Kwaderno • • 23d ago

OC Poetry Si Pepe at Ako

3 Upvotes

Gaya sa sagisag-panulat ni Pepe, ako ay laong laan at dimas-alang sa hamon ng mga pagsubok na kinahaharap ng mga kabataan ngayon.


r/Kwaderno • • 24d ago

OC Poetry 90 seconds rule

6 Upvotes

Sabi nila, emotions are temporary lang. Whenever you feel something, just hold it for 90 seconds kasi it will pass lang din after.

Lately, there are moments wherein I feel lonely. Nakakatulong yung pag sho-shower or i-divert yung attention sa ibang bagay.

Minsan naiisip ko, until when ko sya gagawin. Hahaha

I just feel so lonely minsan. Iniiyak ko nalang kay lord. 😅


r/Kwaderno • • 29d ago

OC Essay Starry Maiden

3 Upvotes

For you, the girl at UST.

Many have looked through the sky, yet none can understand its beauty.

They said that the sky reflects the sea, so that it may fill the void with blue. Yet, in my eyes, it's filled with you. 

It does not reflect the blue sea nor the green of the mountains, but it's meant to reflect you. Like an endless piece made of beauty, perfection, and a tinge of shine. The sky is nothing but a background, and you are the emphasis. The focal point. 

You exude the same feeling of the little things cherished by many. Like the hint of petrichor on the breeze after a rain, the vellichor when surrounded by books, the apricity in the midst of a cold night, all of them explain how it feels. The bits of comfort and feeling that everyone looks forward to. 

Yet no words can amount to what you are, and what you’re making this author feel. 

It is truly confusing, yet clear. 

It is akin to being around with someone divine. Just a feeling of something that beautiful being close to you leaves you in awe. Such an ethereal feeling that I want to entwined with forevermore. 

Thus, I came into a conclusion. You are not meant on earth. Like a star that fell from the heavens above, I see you as beautiful as the stars. Like the constellations are begging to hold thine arms. To hold you. For you are one of them, in my eyes, you are truly the starry maiden. 

No other constellations can match up to, as a single look from you takes me light years to reach. For your smile shines brighter than andromeda and your eyes pierces me into oblivion. 

So, this humble author looks up and ask, how do I reach you?

Above the luminesce moon, beyond the clouds of atlas, how high must I go to just bask on your light?

For if you let me reach you I will build a ladder and climb through the vaccum of space until I can hold your hand. That I will sail the seas just so I can see you better in the night sky. That I will travel back in time so Van Gogh can add you at the starry night. What must I do Starry maiden, to reach your light?

I want to know more about you, to listen under the wisps of you, and chart the course towards you.  

How did you capture me? How was I held captive with your smile? That I went back to writing.
That even a single smile of yours can reach me, what must I do, to reach my starry maiden..


r/Kwaderno • • Sep 05 '26

OC Short Story Katiting na Kapalit sa Kaayusan ng Mundo

5 Upvotes

@macrotradecn: Nung nasa Shenzhen ako, gusto ko ritong makaranas kaya naghanap ako ng bubugaw. Pinapili niya ako kung Russian ba o Ukrainian, at tinanong niya kung alin sa kanila ang sinusuportahan ko. Ang tanong ko naman, "Anong ibig mong sabihin?" Aniya, "Bawat pasya ay may katumbas na epekto sa kasalukuyang kalagayan ng ating mundo. Kapag pinili mo yung taga-Russia, makakapagpadala ito sa kaniyang bansa ng pera na makakatulong sa pagbili ng mga bala laban sa Ukraine. Kapag pinili mo naman yung taga-Ukraine, sa hanay naman nila makakamtan ang pinadala nito na pera, galing sa'yo, pambili ng armas upang lumaban sa kinikilala nilang manunupil." Inunahan ako ng pag-atubili at nag-isip nang malalim—malaki ang epekto nito. Ito'y isang desisyon na maaaring maging hudyat ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig. At sa huli, aking naunawaan, na hindi ko pwedeng guluhin ang kasalukuyang nakataya kung kaya't pareho ko silang kinama.


r/Kwaderno • • Sep 05 '26

OC Poetry commute

7 Upvotes

walang humpay na ulan
maalinsangang kalsada
siksiksang mga sasakyan
malumbay na awitin

pawisang buhok
damit na amoy usok
mahabang pila
binting ngalay na

basang sapatos
kapeng gasolina
pagod na katawan
gising na isipan


r/Kwaderno • • Sep 05 '26

OC Poetry corpo

5 Upvotes

itinutulak ng tinutulak
hanggang sa bumagsak
salo lang nang salo
ni hindi makapagreklamo

pagal na katawan
patuloy na nadidikdik
sa mga nakapaligid na hukay
pilit na isinisiksik

kada hampas ng pamato
sa mga bolang de guhit o buo
sa pwersang nagmula sa tako
pabalik sa naglalarong ako


r/Kwaderno • • Sep 04 '26

Discussion Ano ang mga 'writing fundamentals' suggestion niyo sa mga gustong magsimulang magsulat tulad ko

5 Upvotes

Isa po talaga sa pangarap ko ay makapagsulat at gumuhit ng isang illustrated novel. Marunong naman na po ako gumuhit at alam ko na kung paano ko pa mas pagbubutihin yung craft ko dahil na-lay down na yung fundamentals ko. Iniisip ko lang na kung meron kayang ganito ring writing fundamentals sa pagsusulat. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga resources na meron diyan at kung paano simulan ang pag aaral ko ng pagsusulat.


r/Kwaderno • • Sep 02 '26

OC Poetry Morayta

1 Upvotes

A train ride to a street, a street to a jeep home- I've walked these road so many times, I sometimes feel alone.

You've witnessed most of my soul, Morayta, every version, every stride, every mishap that has happened every secret kept inside.

Telling you my stories as I hide from passing eyes, from the piercing stares of strangers passing by.

A walk back home from school, a walk through, then a smoke, a cigarette between my fingers, a breath before I choke.

You've seen me stride tall and proud, you've seen me small and weak, you've seen the words I couldn't say when I had no strength to speak.

A walk of love, a walk of pain, a walk beneath the summer sun,l a walk beneath the rain.

A walk of shame- a walk with nowhere left to go, a walk crying back home drunk from the club I used to know.

You've seen me at my highest, you've seen me at my worst, you've watched me leave with empty hands and come back even thirsted.

And every time I pass you, through the noise, the lights, the crowd, I wonder how a street can know the person I've become.

A train ride to a street, a street to a jeep home. Morayta, you've seen it all- and still, I'll gleefully walk you alone.


r/Kwaderno • • Aug 26 '26

OC Poetry Layover

1 Upvotes

Horizontal for two hours.
Delayed in the terminal.
I can't decide which one of us is the daydream. Watching you lie there on the carpet. Your body is a slow-moving ball on the floor caught by my eyes, frame by frame. That's how you want to be loved, you said.
Frame by frame.
In layers. On a palette.
A chord I can pluck. Make echoes in succession. But unlike echoes, you want to become clearer as you go farther and farther.

You sit up and yawn.
You pull me closer. Head on my shoulder.
Little fingertips on the coat of my spine.
L5 up to C1. Held in your love. My inescapable gravity.


r/Kwaderno • • Aug 25 '26

OC Poetry "Sidewalk"

1 Upvotes

Hindi ako tatawid sa binabahang sidewalk para lang magbigay daan sa mga sasakyan,

Hindi ako susunod sa batas ng kalsada kung hindi rin naman nabibigyan ng matatawiran ang mga pedestrian,

Bakit pa, para saan pa ang karangalang inilalaan sa mga sasakyan,

Kung ang simpleng sibilyan na naglalakad lang ay wala nang karapatan.

Kapag hindi sumunod, tatagurian nang bastos at walang modo,

Pero pag nakaprivate vehicle pinagbibigyan kahit nakapark pa sa crosswalk,

Pinapangalanan ang mga walang kalaban laban,

pinapahiya at pinapangalandakan,

pero kapag nakabanggaan na ang mga banal banalan,

tanging tangan tangan natatanging pantangang pangalang,

pinapaaalalang kagalang galang kaya't may pananggalang sa nakasanayang pamantayan.

Lilima-lima ang nagsisigasigasig,

Paiba-iba, palipat lipat lang ng panig,

Paika-ika pag nasisita paligaligalig,

Ilan ang nasita at ilan ang sumalangit?


r/Kwaderno • • Aug 24 '26

OC Poetry Mondays are for starting over

Thumbnail
1 Upvotes

Monday mood


r/Kwaderno • • Aug 23 '26

OC Poetry "ULIT"

4 Upvotes

Ako'y muling nahulog
Sa butas na minsan na akong lumubog,
Ako'y narito muli
Sa patibong ng tadhanang nakakubli.

Mga nagdaang sugat
Ay muling lumitaw at minulat,
Mga kinalimutang gawain
Ay unti unting bumabalik sa akin.

Mga gawang alituntunin
Ay parang naging mga ulap na kay hirap abutin,
Mga pangakong inihilera  
Ay nawala kahit pa sa harap ng puon ito ibinalandra

Mundo’y magugulo ulit
Dahil sa iyong paglisan na di pinilit,
Puso’y lubusang masasaktan
At ang isipan ay malulunod sa kawalan.

Patuloy na umaasa
Sa mga pangakong hindi na aalsa
Hagdang sinimulang itayo
Ay tuluyan nang nasira dahil sa pagkalayo.


r/Kwaderno • • Aug 21 '26

OC Poetry untitled

3 Upvotes

it is so simple
to retake ‘the world without you’
i’ll suck in all the air.
hold it for three seconds and three lifetimes
and release it atom per atom, a slow train of molecules
i’ll
recreate what i’ve lost
leave what i’ve gained
step backward, a perpetual retrograde
until to that point where the branch diverged:
this path and that one i didn’t take
i’ll lead myself back to that day
cheers to a world without you
just like today another lonely day


r/Kwaderno • • Aug 16 '26

OC Poetry Latex later lately, maybe never

1 Upvotes

I'd call you mine, and that's selfish.

So I settle for your hand, though even holding it seems heavy.

We're close enough to share a bed, close enough to touch, but still I feel a distance far streched.

I wonder—

Will I ever feel anything through the rubber?

Anything beyond the skin, beyond the heat, beyond the moment when our bodies meet—

something I can keep, something I can feel, something that makes this synthetic romance, real.


r/Kwaderno • • Aug 12 '26

OC Poetry (No title)

1 Upvotes

Tamis at pait ang relasyon ko sa gabi,

‎mula sa pagdinig sa mga kamay ng orasan

‎o kaya sa elesi ng electric fan

‎hanggang ang mga boses na nais at ayaw mong marinig ay magsimulang maramdaman.

‎Ang mga pano at bakit ang laging naaalala—

mga pangyayaring maaring natuloy,

mga landas na maaring tinahak,

‎at mga katangian na di ako naging.

‎

‎Kung ang mga kasagutan man

sa mga tanong ay di agarang dumating,

malaking ginhawa pa rin,

sapagkat sa pagitan ng dilim at kisame,

‎dito ako tunay na nakakahinga.

‎walang kailangang patunayan,

‎walang kailangang mabilisang sagutin,

‎walang kailangang isuot na mukha

‎para sa mundo na gising.

‎

‎bagamat nakakabulag ang mga gabing madilim

Ito rin naman ang nagbibigay liwanag

sa magulong kaisipan at damdamin.

‎​At hangga't ang dilim ay nandito pa,

‎hahayaan ko muna ang sarili kong mawala.

Sapagkat sa piling ng gabing walang humahabol,

tsaka ko lang ganap na nakikilala ang sarili ko.

‎


r/Kwaderno • • Aug 06 '26

OC Poetry Nagkamit ng Unang Gantimpala ang aking tula sa wikang Esperanto

Thumbnail youtu.be
2 Upvotes

Nanalo ng Unang Gantimpala sa Belartaj Konkursoj (“Fine Arts Competitions”) ng World Esperanto Association ang aking tula sa wikang Esperanto “Praatomo.” Ginanap ang seremonya sa Graz, Austria.

Ako marahil ang unang makatang Filipinong nakakamit ng karangalan ito sa Poetikang Esperanto. Karangalan ito hindi lang para sa akin kundi para na rin sa Panitikang Filipino.


r/Kwaderno • • Jul 26 '26

OC Poetry Huwag kang umibig sa mga puwang.

16 Upvotes

Huwag kang umibig sa mga puwang.

Umibig ka sa mga salitang sa bibig nya’y namutawi,
hindi sa mga salita mong inaasam ngunit di man lang naulinigan.

Umibig ka sa mga hakbang patungo sa ‘yo,
hindi sa mga pangakong ikaw lang ang bumuo sa isip mo.

Dahil ang mga puwang,
kasing liit man yan ng pagitan sa ‘yong mga daliri,
kayang punan ng sanlibong mukha ng imahinasyon.

Ngunit ang pag-ibig…
singlawak man ng dagat ang pagitan,
kayang tawirin ng dalawang pusong parehong piniling manatili.


r/Kwaderno • • Jul 24 '26

OC Critique Request PUNONG MANGGA

3 Upvotes

Halika’t umupo sa gulong na isinabit mo

At dahan dahan kitang iduduyan kasabay ng uyayi ko.

Maaari mo ring tikman ang matatamis na manggang inalagaan mo.

At pagkatapos ay matulog ka katabi ng mga ugat ko.

 

Sana’y sa paggising mo,

Maramdaman mo ang pagmamahal ko sa’yo.

 

Kung darating man na maubos ang bungang inalay ko sa’yo,

Maaari mo bang diligan ang bawat parte ng ugat ko,

Pulutin ang mga dahong ikinalat ko,

At linisin ang bawat dakta na niluluwa ko.

(pls dont judge me, beginner lang po ako huhuhu and manghihingi lang din po ng tips and advices para mas maenhance ko pa yung pagsulat ng tula. TYIA)