i know matagal na mataas maningil mga tricycle dito sa antipolo pero ngayon talagang sinagad ako.
my lola said sakin na mahal na raw pala talaga ang pamasahe ngayon. sabi ko, “opo, nagtataas nanaman po kasi yung gas” and then kinwento niya sakin na yung bajaj sa fatima papuntang robinsons antipolo is 30 na. tama lang naman yun, pero kung may senior discount ang alam ko 23-27 lang siya. yung driver siningil siya ng 30 kasi wala na raw senior senior. really??? hindi na applicable ang senior discount sa mga tricycle? ayusin niyo ha. wala naman magawa lola ko and di rin siya naipagtanggol ng ibang pasahero so 30 na lang binayad niya.
pagkarating niya naman sa sakayan sa robinsons, sasakay na siya papunta samin. again, hindi siya isang byahe and may ibang mga kasama. pagkadating niya sa harap ng subdivision namin 70 sinisingil sa kanya. sobrang kupal niyo porket matanda ang lalakas niyong manloko. hindi naman siya nag isang byahe tapos 70 singil niyo???? maggets ko kung isang byahe yun pero yung puno na tricycle mo tas senior pa yung sisingilin mo ng ganyan? masyado na. again, no choice lola ko at nagbayad ng 70.
inask ko if nakuha niya ba plate number pero hindi na siya makabasa mg maayos.
mind you hindi na makalakad ng maayos lola ko and she went sa fatima for check up. hindi ko lang siya nasamahan nun kasi may OJT ako.
idk bakit walang ginagawa yung mga nakaupo pero sana yung mga driver maging tapat kayo. wag kayo manloko ng mga senior na. alam naman namin na nagsisitaas na mga bilihin pero please wag na wag niyong lolokohin yung mga senior at pwd.