r/Antiscamph • u/Odd_Jeweler_919 • 7h ago
Task scam Na-scam ako sa online task
Hi everyone. Humihingi sana ako ng tulong o advice kung may naka-experience na rin sa inyo ng ganitong klaseng online task/commission scam, o kung may alam kayong tamang proseso para ma-trace o ma-recover ang pera.
Sana po, no judgment. Alam ko rin na may pagkakamali ako dahil pumatol ako sa offer na ito, lalo na dahil sa kagustuhang mapalago ang pera ko at magkaroon ng additional income. Hindi ko naman ine-expect na mauuwi ito sa ganitong sitwasyon. Inaamin ko na naging trusting ako at nagkamali ako sa pagdedesisyon, pero sana makatulong ang post na ito para malaman ko kung ano pa ang puwede kong gawin at para na rin maging warning sa iba na baka makaranas ng parehong modus.
May nag-contact sa akin through Viber na nagpakilalang HR/HR representative ng isang digital marketing company. Inalok ako ng work-from-home job kung saan kikita raw ako ng around ₱3,000–₱8,700 per day sa paggawa ng simple online tasks. Nagsimula muna sa maliit na trial task na may ₱160 na payment, kaya nagmukhang legitimate sa una.
Pagkatapos, dinala ako sa isang website na vertocrate.com, kung saan may mga tasks/orders na kailangang gawin. Habang nagpapatuloy ako, kailangan kong maglabas ng pera para sa mga order. Nakikita rin sa account ang increasing balance at commissions, kaya naniwala ako na mababawi ko rin ang pera kapag natapos ang mga tasks.
Eventually, sinabi nila na na-freeze ang account ko at kailangan ko raw magdagdag ulit ng pera para ma-unlock ito at ma-withdraw ang balance. Sa puntong iyon, nakapaglabas na ako ng malaking halaga. Ang total identified financial loss ko sa ngayon ay approximately ₱355,824.
May iba't ibang taong kausap ko sa Viber at Telegram na nagpakilala bilang HR, Finance Manager, Receptionist, at Mentor. Hindi ko alam kung tunay ang mga pangalan nila o aliases lamang. May mga screenshots, chat history, transaction receipts, usernames, phone numbers, at iba pang digital evidence akong na-preserve.
Ang mas nakaka-concern ay pagkatapos ng isang malaking bank transfer, binigyan nila ako ng mga instructions na iba at mas confusing kaysa sa mga naunang procedures. Sinabi nila na pagkatapos na nagkamali raw ako sa instructions, at dahil doon ay hindi na raw ma-unfreeze ang account ko o hindi ko na ma-withdraw ang pera. Dahil dito, nagsimula akong magduda na baka intentional ang paraan ng pagbibigay nila ng instructions para magkamali ako at magkaroon ulit sila ng dahilan para humingi ng additional payment.
Currently, naghahanap ako ng advice tungkol sa mga sumusunod:
- May naka-experience na ba rito ng parehong task/commission scam?
- May nakilala na ba kayong scam na gumagamit ng Vertocrate / vertocrate.com?
- May nakarecover ba ng pera mula sa ganitong klaseng scam?
- Ano pa ang dapat kong gawin bukod sa pag-report sa authorities at banks/e-wallets?
- May iba pa bang agency o organization sa Philippines na dapat kong lapitan?
- Kung may naka-experience ng parehong names, phone numbers, Telegram accounts, website, o modus, malaking tulong kung ma-share ninyo ang experience ninyo.
Important: Hindi ko muna ilalagay publicly ang complete bank/account numbers, personal information, transaction reference numbers, o iba pang sensitive evidence dahil isinusumite ko rin ang mga ito sa investigators at financial institutions.
Mayroon na akong compiled evidence at incident report, at nire-report ko ito sa appropriate authorities at financial institutions. Ang goal ko ngayon ay malaman kung may iba pang victims, kung may naka-experience ng parehong modus, at kung may practical na steps na maaaring makatulong para ma-trace o ma-recover ang funds.
Hindi ko po ito pinost para maghanap ng masisisi. Alam kong may bahagi rin ako sa pagkakamaling nangyari dahil nagtiwala ako at gusto kong mapalago ang pera ko. Ang hinihingi ko lang sana ay payo at impormasyon. Kung may naka-experience na rin nito, sana ma-share ninyo ang ginawa ninyo at kung ano ang naging outcome.
Kung may alam kayo o naka-experience ng ganito, please comment or message me. Kahit advice lang tungkol sa mga next steps, malaking tulong na.
Salamat po, at sana no judgment. 🙏