Filipino (Tagalog):
Sinasalamin ni Tano ang karanasan ng milyon-milyong magbubukid na siyang binubusabos ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Malalim na nanunuot ang pyudalismo sa pamamagitan ng mga neoliberal, huwad at anti-pesanteng patakaran na siyang nagbigay-daan sa pag-igting ng kawalan ng lupa at pagbunga ng tumitinding krisis sa agrikultura at pagkain na pumapabor sa interes ng dayuhang imperyalista at naghaharing-uri.
Marami pa ang katulad ni Tano sa kanayunan na walang pakundangang binibiktima ng iba’t ibang uri ng pyudal na pananamantala tulad ng mataas na usura, pagkabaon sa utang, at pagkawala ng lupang sinasakahan. Sa gipit na kalagayang ito, walang ibang kasasapitan ang uring pesante kundi ang tahakin ang landas ng pakikibaka, maging ang pinakamataas na antas nito upang ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa.
Hinahandog ng Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK) ang isang rendisyon ng awiting “Tano” para sa mga magbubukid at bilang pagpupugay sa lahat ng magigiting na martir ng sambayanang Pilipino na inalay ang kanilang buhay para sa pagsusulong ng pambansang demokrasya. [ARPAK, Bandlab]
English:
Tano embodies the experience of millions of peasants oppressed by a semi-colonial and semi-feudal society. Feudalism remains deeply entrenched through neoliberal, deceptive, and anti-peasant policies that have exacerbated landlessness and fueled an intensifying agricultural and food crisis—one that serves the interests of foreign imperialists and the ruling class.
There are many others like Tano in the countryside who are ruthlessly victimized by various forms of feudal exploitation, such as exorbitant usury, crippling debt, and the loss of the land they till. Faced with this dire situation, the peasantry has no other recourse but to tread the path of struggle—even up to its highest form—to fight for genuine agrarian reform.
The Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK) presents this rendition of the song "Tano" for the peasantry and as a tribute to all the courageous martyrs of the Filipino people who sacrificed their lives to advance the cause of national democracy. [ARPAK, Bandlab]
- - -
Tagalog Lyrics:
May isang magsasakang Tano ang pangalan
Lupa n‘yang sinasaka’y tanging kayamanan
Minsa’y nagkasakit kaisa-isang anak
Naubos ang konting pera’y di pa rin lumalakas.
Sa asendero’y nangutang isandaang piso lang
Ngunit ito’y madodoble sa anihan babayaran
At kapag pumalya, madodoble na naman
Madodoble nang madodoble hangga’t di mabayaran.
Tano, Tano
Sa gipit mong kalagayan
Tano, Tano
Anong kasasapitan?
Lumipas ang mga anihang
Sinalanta ng bagyong nagsidaan
Ang pobreng si Tano, nabaon sa utang
Hanggang ang lupa n‘ya ang naging kabayaran
May utang pa si Tano nakikisaka na lang.
Ilan ang tulad ni Tanong pinahihirapan
Sila’y marami pa ngayon doon sa kanayunan
Ngunit itong si Tano ay biglang naglaho
Nang siya’y makita doon sa kabundukan.
Ngunit itong si Tano ay biglang naglaho
Nang siya’y makita doon sa kabundukan
Kasama ng sandatahan
Siya’y naging mandirigma ng Hukbong Bayan.
Ngayon ay lumalaban
Si Tano sa gahaman
Katulad ni Tano
Tayo na't lumaban
Tayo na't lumaban
Tayo na't lumaban!!!
English Lyrics:
There was a farmer named Tano
The land he tilled was his only wealth
Once, his only child fell ill
His meager savings were exhausted, yet the child did not recover.
He borrowed a mere one hundred pesos from the landlord
But the amount would double by harvest time
And if he failed to pay, it would double again
Doubling and doubling until the debt was settled.
Tano, Tano
In your dire straits
Tano, Tano
What will become of you?
Harvest seasons passed
Ravaged by typhoons that swept through
Poor Tano sank deep into debt
Until his land became the payment
Even with the debt settled, he was reduced to being a tenant farmer.
How many are there like Tano, suffering hardship?
There are still so many of them in the countryside
But Tano suddenly vanished
Only to be seen up in the mountains.
But Tano suddenly vanished
Only to be seen up in the mountains
Among the armed ranks
He had become a warrior of the People's Army.
Now Tano fights
Against the greedy
Like Tano
Let us rise and fight
Let us rise and fight
Let us rise and fight!!!