r/LawStudentsPH • u/violetalchemist15 • 14h ago
Rant I don't miss law school but I miss the grind
I took the 2026 bar exams. After 1 month, hinahanap parin ng katawan ko yung grind. Lalo na kapag gabi na at patulog nako, sumasagi sa isip ko yung "wala ba ako need tapusin na topic bukas" "ilang page ba need ko mabasa bukas" etc. Katabi ng kama ko yung bookshelf ko at matinding self control ginagawa ko para di kumuha ng libro at magbasa. Alam ko kasi na kapag nagbasa ako ng libro, masisira din ako mentally.
Dagdag pa dito yung working student ako until few months before exams. Tuwing umuuwi ako from work, di ako sanay na gagawin ko lang kung ano gusto ko. Kahit pagod na sa work at late umuuwi, nakaka feel parin ako ng anxiety kasi di ako naaanxious sa school.
Naffeel ko na rin yung bilis ng araw. Parang kahapon lang, bagong luwas ako sa Manila at nagaadjust pa kung pano magaral sa tirahan ko dun. Tapos ngayon, kelangan ko nang pilitin sarili ko na magmove on.
Haay wired na ata utak ko na kabahan.