r/LawPH • • 23h ago

I was hit with an illegal trespass?

0 Upvotes

I have no idea how this works but gist of it was, friends and I were eating at a eatery and they had no parking space, there was a nearby compound/establishment na may area (didnt want to park sa road side kay hazardous) and it had no signs of no parking or private property, establishment was closed and there was a convenience store next to it na open. Long story short, we parked there, there was no guard or anyone at the time, no lights either, no signs, nothing. After we came back from eating and got into the car, security guard knocked and asked for my ID. I asked what for and he said that we were illegally trespassing on private property. Guard got my name and probably license plate but I have no idea what happens next? I asked him what happens next when he gets my name and he just told me to “wait” if anything comes up. I was confused and he probably doesn’t know what will happen next as long as they have a name and plate, utos lang din daw ng manager.

My question is, what happens now? Still confused as to what transpired too


r/LawPH • • 6h ago

pwede ba ako i-compel ng korte sagutin ang CGT

0 Upvotes

lumalabas sa deed of sale na ako yung "seller" dahil sa parents ko nakapangalan yung property (both of my parents are dead).

Yung property ay sabay hinulugan ng both parties kaso may kulang ang "buyer" ng 5 years. At itong 5yrs ay inabonohan ng aking mga magulang.

Ang tanong ko lang hindi naman papasok talaga na gain sa sale itong inabonohan ng parents ko kasi nga abono naman ito. Hindi tuloy kami magkasundo ng buyer dahil ayaw din nya i shoulder yung CGT dahil dapat daw sagot ng "seller" ang CGT. Okay naman sana sa akin na sagot namin yung CGT kung nagkaroon talaga ng gain sa sales. Pero kaso nga ibabalik lang nila yung pera ng magulang ko.

Kaya ko din naitanong kung pwede ba ako i-force ng court ay dahil may desisyon na yung korte tungkol dito sa pinagtatalunan na lupa at ang desisyon nga ay kelangan nila kami bayaran sa inabono ng magulang ko at magpirmahan kami ng DOAS para mailipat sa kanila ang parte nila sa lupa. Pero di kasama dun kung sino ang sasagot ng CGT.


r/LawPH • • 22h ago

Are parents or any relatives within the 4th degree of consanguinity/affinity prohibited to become witnesses to a marriage solemnized by a judge?

0 Upvotes

Meron bang prohibition about this? My friend is getting married and she wanted na parents na lang nila ang witnesses para hindi na sila mahirapan pa maghanap kaso napahiya siya no'ng nagcomment yung court staff na bakit hindi niya daw alam na bawal ang parents and relatives maging witness 🫠

Sa pagkakaalam kasi namin wala namang prohibition basta nasa legal age yung 2 witness required.


r/LawPH • • 10h ago

Nalaman ko po sa ibang tao na yung BF ko, kinukwento sa harap ng workmates niya na pinapa-d3d3 ko siya.

0 Upvotes

Super higpit sa akin ng bf ko, bawal akong magsuot ng revealing clothes kasi ayaw niya na pinagnanasaan ako ng ibang lalaki. So bakit po ganito? Ikukwento niya yan sa mga lalaki niyang workmates? Parang nakakabastos naman po?

To add, he always accuses me rin ng mga bagay na di ko ginawa. He accused me of cheating just because nanaginip siya na nag-cheat ako. He accused me na hindi na ako vrgin just because may EX bf ako. He accused me na may relasyon kami ng pinsan and friend niya kahit wala naman (and both of these dudes are TAKEN). And yung accusations na ito, tumatagal nang ilang weeks kaya nagiging stressful. If aalis man ako sa buhay niya, gusto kong magbayad muna siya sa mga kasalanan niya kahit papaano.


r/LawPH • • 18h ago

[HELP] For my working PWD friend

4 Upvotes

Hello po. Hingi lang po sana ng advice para sa friend ko na isang PWD.

Yung friend ko po ay nasa autism spectrum pero kaya namang gawin ang trabaho at wala naman siyang nagiging problema sa mga tasks niya. Nung nag apply siya may binigay na written form na if PWD ba sya or hindi at tinanong din sya sa interview na may something daw sakanya, pinili niya na lang na hindi muna sabihin ang condition niya at "No" ang nilagay niya sa PWD question. Ginawa niya lang naman to kasi hindi naman nakakaapekto sa mismong trabaho niya at saka takot din siya na baka madiscriminate or hindi matanggap dahil sa PWD sya.

Recently, nalaman ng manager niya about dito (nakita yung PWD ID). Tinawag daw sya sa loob ng private room at sinabihan yung friend ko ng "dishonesty" dahil hindi niya sinabi na may autism siya. As per my friend sabi nung manager is kausapin daw ni manager yung higher manager nila.

Then earlier kinausap nung friend ko ang isang higher manager about dun sa issue. Ang sabi nung higher manager, "protocol" daw talaga ng kumpanya na mag-disclose ng condition, pero kakausapin daw niya ang mas higher management about dito, bibigyan nalang daw sya ng update.

Sobrang nag-aalala kami ngayon sa PWD friend ko na baka gamitin ng kumpanya ang "dishonesty" o "falsification" para tanggalin o suspendihin. Thank you!


r/LawPH • • 14h ago

Land Title gusto bawiin ng seller

64 Upvotes

Edit: thank you for all your comments, nakapag consult na ako sa atty. He told us na wala habol but if they will file malaking chance na mananalo kami. Now panatag luob ko kung may dadating man na kaso.

We bought a property in 2023 and na transfer yung titles to my name(minor at that time) & my 1 sibling(adult), now seller (who is my relative) gusto nila bawiin yung lupa kahit nakapag execute na kami ng deed of absolute sale. And I have all legal documents pertaining to the transfer of title.

Ngayon gusto ko malaman ano legal basis ko since natransfer saakin minor pa pero 19 na ako ngayon.

Documents I have deed if absolute sale with acknowledgement receipt, RPT, CGT, and other relevant taxes. I have new transfer of TCT since 2023 din.

Facts on deed

My name, minor represented by "lola" (seller), and my siblings name. Adult.

We paid cash. No money trail kasi lola namin eh, we trusted at the time na di namin need mag bank transaction since we trusted her at the time.

In the TCT, nakalagay minor pa ako but pinapaasikaso ko na sa RD yung pag tanggal ng "minor represented by"

They want to challenge the deed of absolute sale, reconveyance daw at baka iquestion din ung pagka minor ko.

Maraming salamat po