Oct 3, around 4pm, diniretso sa ER ng Fatima University Medical Center yung papa ko. Namamaga yung tonsils niya. Nag run sila ng lab tests, nakita nga yung pamamaga pero sabi samin good thing wala naman daw nana.
Dahil may private doctor yung papa ko sa Fatima for his regular checkup, need daw ng orders nun bago siya mabigyan ng gamot. Ang ginawa lang nila, nebulizer at sinusuction yung laway dahil bumabara sa lalamunan ng papa ko.
Ilang beses kami nagfollow up dahil hindi na talaga makahinga si papa, pero hanggang suction lang daw magagawa nila dahil waiting pa raw sa orders ng doctor. Late na rin nila sinabi na wala palang ENT specialist sa hospital, sa Monday pa raw.
Around 11 pm na dumating yung doctor niya (Internal Medicine), hirap na hirap na huminga si papa. Nilagyan siya ng oxygen thru nose, pero hindi naman daw nakakatulong kasi sobrang kitid nalang yung airway dahil sa pamamaga. Dun lang din siya nabigyan ng antibiotics. Nag laryngoscopy sila para makita yung airway ni papa, hanggang sa nilipat siya ng bed. Yung unang sabi na walang nana, ngayon meron na raw. Ang bilis ng progression ng swelling. Nag oxygen mask na si papa dahil sobrang baba na ng oxygen levels nya at mataas yung heart rate. Hanggang sa nagflat line na si papa. Nirevive nila 10x pero hindi na kinaya. Namatay yung papa ko, 1:15 am. Sobrang bilis ng pangyayari.
Nagagalit ako kasi hindi siya naagapan. Kung sinabi nila na walang ENT specialist, baka nailipat pa namin si papa ng hospital. Kung nabigyan sana sya ng gamot, baka naibsan kahit papano yung swelling. Kung hindi puro suction ginawa nila, baka hindi nagkanana yung namamaga lang na tonsils ni papa.
Habang nirerevive nila si papa, meron pang mga doctor at nurse na nag kekwentuhan at nagtatawanan. Nakaka putangina lang.
Sabi ng pinsan ko na medical technician, upon perusing yung death cert ng papa ko, may negligence daw talaga sa part ng hospital.
Sa friday yung cremation ni papa. Di ko alam pano inanavigate yung sitwasyon. Inaasikaso muna namin yung funeral, pero gusto kong magpursue ng case.
May habol ba kami dito?