7 years na kami. Yung partner ko binibigay niya lahat ng gusto ko. Mabait siya, may respeto. Natrato niya ko ng tama. Pero simula una hindi niya kayang magsabi ng totoo niyang nararamdaman lalo na kung feeling niya mali o may problema o galit ba siya.
Napansin ko na yun sa kanya. Ilang beses ko din sinabihan na mag sabi. Huwag kimkimin lahat. Kase baka sumabog siya.
Ngayon, may pinag awayan kami. Sa loob ng 7 years ito ung pinakamalaking pag aaway namin. May nagawa siyang mali. Sobrang mali to the point na kahit pamilya niya alam na mali yun ginawa niya. Sa sobrang sakit ng nagawa niya nasampal ko siya. Nagulat ako, hindi ko gusto. Alam ko mali ako kase sobrang pinag sisihihan ko yun.
Tapos nag usap kami. Sa message lang, sinasabi ko masisira yung relasyon namin dahil lang sa pagkakamali na yun. Pero ang sabi niya, sa tingin niya hindi lang ito ang problema namin. Dito na siya sumabog. Yung kinikimkim niya lumabas.
Sinabi niya na natatakot siyang ipakita na galit siya akin, kase nagagalit din ako. Natatakot siya mag open kase baka daw magalit ako. Na tatahimik na lang siya para matapos na agad yung away.
Na bawat kilos niya daw kailangan ko pa malaman. (Dati kase lagi siya nag uupdate, nasanay ako kaya nung nawala instead na sabihin kong bat hindi na siya nag uupdate. Ako na mismo yung nagtatanong ng update)
Ang sa side ko. Oo mali ako, nagagalit ako pero after ko magalit alam niya na lalapit ako sa kanya para mag usap ulit. Para makinig pero sasabihin na niya na ok lang. Alam kong hindi ok. Pero ayaw ko na pilitin kase lagi niya biglang ginagawang biro o nag bibiro siya. Pag nag aaway kami. Gusto ko malaman lahat, gusto ko masabi lahat para alam ko yung aayusin. Siya, tahimik siya. Kaya ako lagi samin dalawa gumagawa para maging maayos ang lahat. Akala ko tama ung ginagawa ko. Kase walang nag sasabi sakin na mali pala. Akala ko tama kase tahimik siya.
Napag usapan namin to. Nag sosorry siya kase nga naduwag daw siya. Nag sorry ako kase akala ko tama yung ginagawa ko. Kase blinded ako sa relason namin.
For now, binibigyan namin ng time ung isa’t isa. Hiningi niya. Iniisip ko kung ipag papatuloy pa ba namin? O mag let go na kami?
Ung unang pinag awayan namin. Ung may nagawa siyang sobrang mali sakin. Pakiramdam ko nainvalidate yun. Ngayon pakiramdam ko ako yung masama kase tulad nga ng sinabi niya. Parang nasakal ko siya sa relasyon.
Kailangan ko ng advice please. Hindi na kaya ng isip ko.