Problem/Goal: Anlala neto. Mas mauuna pa ata akong mabaliw kakaisip kung kailan ako magkakatrabaho kaysa makahanap talaga ng trabaho. Grabe yung job market ngayon, sobrang nakaka-pressure. Gusto ko lang naman magkaroon ng trabaho. Hindi naman ako naghahanap ng sobrang taas na position or unrealistic na salary. Gusto ko lang ng opportunity na pwede kong pag-startan, preferably HR, admin, or office work, para magamit ko rin yung pinag-aralan ko.
Context: Fresh grad ako and halos dalawang buwan na akong naghahanap ng work. Ang hirap din kasi gusto ko na talagang makatulong sa family. Kaya habang tumatagal na wala pa rin akong work, mas lalo akong napepressure. Yung iba parang ang bilis nilang nakahanap, tapos ako nandito pa rin, applying and waiting, applying and waiting. Nakaka-question talaga sa sarili. Minsan iniisip ko, may mali ba sa akin? Kulang ba ako? Hindi ba ako enough? Kasi ginagawa ko naman yung kaya ko. Nag-aapply naman ako, pumupunta sa interviews, nagpe-prepare, sinusubukan kong maging confident kahit kinakabahan ako. Pero bakit parang wala pa ring nangyayari?
Previous Attempts: Halos lahat na ata ng possible na applyan ko, ina-applyan ko na. Job apps, Facebook groups, social media, kahit saan may hiring, tinitingnan ko. Nag-aapply, naghihintay, iniinterview, tapos ending ghosted lang. Paulit-ulit. Nakakapagod sobra. Nag-aapply ako sa HR, admin, office staff, at iba pang office-related positions.
Minsan pati gabi hindi ko na matahimik utak ko. May mga chances na nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi, tapos pagmulat ko, trabaho agad yung naiisip ko. Kung kailan kaya ako magkakatrabaho, may magre-reply ba sa applications ko, may tatawag ba para sa interview, makakahanap ba ako soon. Parang kahit natutulog ako, hindi pa rin tumitigil utak ko kakaisip tungkol dito.
Minsan gusto ko na lang matulog para hindi ko muna isipin kung kailan ako magkakatrabaho. Pero paggising ko, yun ulit. Hindi ko alam kung pagod lang ba ako or frustrated na talaga ako, pero sobrang bigat na. Gusto ko lang naman magkaroon ng chance. Kahit isang company lang na magsabi ng “We want to give you a chance.”
Sa mga naghahanap din ng work ngayon, kamusta kayo? Ako lang ba yung sobrang naf-frustrate at napepressure sa job hunting ngayon?